Had a great day with my babe. :D Haha. So ikukwento ko to dito so I can keep track of what’s going on with my everyday life while he’s here. HAHA.
Tinawagan niya ako kaninang 8am para magising ako at maligo na daw ako. And so I did. Naligo na ako, nagbihis at naghintay lang sa text niya na kung pwede na ako pumunta ng McDo. Yun kasi ang meeting place namin ee. Hihihi. Nagtext na siya at pagkakita namin ay kiniss ko siya agad sa Lips. :p sweet ko, ‘no? Haha. Nagbyahe na kami papunta ng Manila. Una, sa Anglo muna kami nagpunta. Sa company niya sa Makati yun. Gosssh! Sobrang init sa manila. Ang pawis ko tumutulo talaga ee. Pinag titinginan ako kasi puro lalaki dun. Inabot na kami ng lunch break. Good thing at natapos na din niya agad. Humanap kami ng makakainan since almost late lunch na. At sa McDo ang bagsak namin. Dalwang fries, chicken tsaka spag kinain namin. Hihi. Happy tummy! :)
Next stop, Intramuros. :) Yeaaa. So nag bus muna ulit kami papunta sa Buendia then nag-van papuntang intramuros. As usual, naglakad na naman kami. Sayang din naman kung magtataxi kami no. Sa MAAP Satellite Office naman kami nagpunta. Kumuha lang siya ng slip para sa medical niya. Then naabutan namin yung alumni ng MAAP. Usap usap sila don. Tapos punta kami ng SM Manila. Nilibre kami nung Sir niya ng Shakeys. HAHA. Happy tummy na ulit. After kumain, derecho naman kami ng bus stop kasi we are going home naaa.
Sa bus nakita namin yung lowerclass niya na may gusto sakin dati. Kinupal niya ng bonggang bongga. Pero after nun, nagtawanan na kami ng sobra. Andame naming pinagtatawanan ee. :D As usual, panot na naman pinagtatawanan namin. Hahaha. Tapos derecho kami sa sinehan. Nanuod kami ng last full show ng Dark shadows. Ayos na ayos naman. Nagkuwentuhan din kami ng about sa future namin. Serious matters ulit. Waaa. I love it. Kumain muna kami sa McDo ulit before we go home. Almost 10 pm na kami nakauwing dalawa. Masaya naman ee. As in! Sana maulit ulit at sana may overnight na kami. Hihihi. More to come!
May 22, 2012. (Tuesday) A month before my birthday.
Loves,
Nicole :) Hihihi.


